Ito ang buod na binuo ng AI, na maaaring may mga error. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.
Ang dalawang ektaryang compound sa Barangay Siñura ay pinaniniwalaang pag-aari ng mga ‘big boss’ ng Philippine offshore gaming operator na Lucky South 99 Outsourcing Incorporated
MANILA, Philippines – Bumalik ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Porac, Pampanga sa mga abandonadong mansyon at villa ng bayan na sinalakay kamakailan ng mga awtoridad.
Noong nakaraang linggo, ininspeksyon ng mga alagad ng batas ang dalawang ektaryang compound sa Barangay Siñura na pinaniniwalaang pag-aari ng mga “big boss” ng Philippine offshore gaming operator na Lucky South 99 Outsourcing Incorporated. Ang nasabing POGO ay ininspeksyon ng mga awtoridad noong nakaraang buwan dahil sa pagiging hotbed umano ng iba’t ibang ilegal na aktibidad, kabilang ang human trafficking, forced labor, at iba pang scam activities.
Sinabi ni Pampanga PNP director Police Colonel Jay Dimaandal na ang raid ay bunsod ng intelligence reports, tips mula sa mga sibilyan, at findings mula sa tatlong public hearing na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan noong Hunyo.
Ilang araw matapos ang raid, noong Hulyo 9, bumalik ang Porac PNP sa mga abandonadong istruktura. Doon, muling siniyasat ng pulisya ang mga mansyon at villa na may helipad, lagoon, hardin, at pool. Nakita rin ng mga awtoridad ang isang lihim na underground tunnel at isang indoor shooting range.
– Rappler.com