Ang “Hello, Love, Again,” ang hit film na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay bumasag ng isa pang box-office record, na kumita ng hindi pa nagagawang P131 milyon sa isang araw noong Sabado (Nov 16). Umabot na sa P566 million ang pelikula simula noong Lunes (Nov. 18).

“We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin. Wala na kaming mahihiling pa,” Kathryn said.

“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” Alden added.

Bahagi ng kikitain ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito. Samantala, dadalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival, kung saan ang “Hello, Love, Again” ang magsisilbing closing film.

Gumawa ng kasaysayan ang record-breaking na pelikula na may pinakamalaking opening day sa P85 milyon.

Nagbukas ang unang collaboration ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures sa no. 8 sa US box-office top 10, na kumita ng $2.4 milyon at nagtatakda ng record bilang pinakamalaking opening para sa isang pelikulang Pilipino sa Amerika. Sa direksyon ni Cathy-Garcia Sampana, ang pelikulang romantikong drama ay palabas sa mahigit 1,000 sinehan sa buong mundo kabilang ang US, Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, at Saipan. Ipapalabas din ito sa Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, Hong Kong, at Macau ngayong buwan.

Saksihan ang pagpapatuloy ng kuwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa “Hello, Love, Again” na eksklusibong palabas na sa mga sinehan sa buong mundo. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter)Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Share.
Exit mobile version