Inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga tatanggap ng lifetime achievement honorees noong Biyernes.
Ang mga parangal ay ibibigay sa panahon ng “Parangal ng Sining” na gaganapin sa Abril 19, 2024.
“Ang FDCP ay pararangalan ang mga namumukod-tanging Pilipinong artista at mga haligi ng industriya sa pag-ambag sa mahabang buhay ng sinehan sa Pilipinas at sa pangangalaga ng ating kultural na kasaysayan.”
Ang mga pinarangalan ay ang mga sumusunod:
Dr. Nicanor Tiongson – Para sa kanyang walang sawang dedikasyon sa pag-aaral ng kulturang Pilipino, partikular sa pagtukoy sa mga hugis at tradisyon ng mga sining ng pagtatanghal.
Dr. Clodualdo del Mundo, Jr. – Para sa pagiging tagapayo at inspirasyon sa mga Pilipinong gumagawa ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang paglikha ng mga klasikong salaysay na imortal sa mga talaan ng ating cinematic history.
Armando Lao – Para sa kanyang mahuhusay na inobasyon sa paglikha ng mga screenplay na nanatili bilang blueprint ng mga kontemporaryong pelikulang Pilipino.
ABS-CBN Film Restoration Sagip Pelikula – Para sa pagtupad sa tungkulin ng pag-iingat ng kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas at pagbibigay-daan sa mga klasiko na matikman ng mga susunod na henerasyon.
Society of Filipino Archivists for Film – Para sa pagbibigay-pansin sa kahalagahan ng pangangalaga ng kultura sa pamamagitan ng pelikula bilang bahagi ng ebolusyon at pag-unlad ng sining.
Boots Anson Rodrigo – Sa loob ng ilang dekada ng pagsusumikap ay namuhunan siya sa Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND) kung saan nagsilbi siyang gabay na liwanag sa iba pang mga lider ng industriya.
Gloria Romero – Para sa pagiging higit pa sa isang reyna ng pelikula na na-immortalize ng mga landmark na pelikulang Pilipino na pumapasok sa mga dekada ng ating sikat na kultura at kasaysayan. — BAP, GMA Integrated News