Ang Pendukoang official entry ng Viva Films sa 49th Metro Manila Film Festival ang unang pelikula ni Daniel Oke, ang Nigerian vlogger na mas kilala sa kanyang screen name na Zombie.
Si Zombie ay regular na napapanood sa KUMAINang noontime variety program ng TV5.
Basahin: Zombie tells critics of Jose Manalo’s “blackout” joke: “Mind your own business.”
Kabilang si Zombie sa mga artista ng Penduko na humarap sa entertainment press sa grand presscon ng pelikulang pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli kahapon, October 24, 2023.
Kumpiyansa raw si Zombie sa partisipasyon niya sa Penduko.
“Ito po ang pinakaunang movie ko at saka pagdating sa pressure, parang confident po tayo.
“Personally, confident po ako sa ginawa ko so makikita sa resulta ng movie,” pahayag ni Zombie.
Higit na naging makabuluhan ang presscon ng Penduko dahil ipinagdiriwang ni Zombie ang ika-25 kaarawan kaya binigyan siya ng cake at kinantahan ng birthday song.
“Gangster” ang karakter na ginagampanan ni Zombie sa Penduko, at ipinagmalaki niyang nakipagbugbugan siya kay Matteo.
Tawang-tawa naman si Matteo habang nagkukuwento ang Nigerian vlogger na katulad niya’y may thick accent sa pagsasalita ng Tagalog.
Basahin: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Kuwento ni Zombie, “Ako po si Kuya Mon, isang gangster na siga sa itong proyekto na ito.
“Actually, may pumasok na text, ‘Zombie, kasama ka raw sa Pedro Penduko.’
“Sabi ko, ‘Dyusko, paano ito? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog. Paano ito?’
“Actually, dalawang araw po ako na hindi natulog. Inisip ko, anong meron sa mga script na yan?
“Pagdating ng script, wow, tatlo pala yung mga scene ko. Sabi ko, ‘Okay, kaya ko ito.’
“Binuksan ko yung mga script ko tapos pumunta ako sa Google translate para ma-translate ko. English versus Tagalog translation.
“So, lahat ng scene ko, nag-translate ako. Lahat! Para maintindihan ko talaga kung ano yung istorya.
“Tapos, yung worst thing, medyo mahirap mag-pronounce, like naaaalalanganin… naalangani… nag-alanganin…” nakakatawang kuwento ni Zombie, na hirap na hirap sa paulit-ulit na pagbigkas sa salitang nag-aalanganin.
Dagdag pa niya, “Mga ganyang tongue twister pero mabuti si Direk (Jason Paul Laxamana), pinalitan niya.
PATULOY ANG PAGBASA SA IBABA ↓
“Ayan yun! Isa po akong gangster diyan. Tapos binasa ko yung mga script ko para maintindihan ko yung buong istorya. Tapos, boom!
“Naging gangster ako sa show, pati yung Matteo, binugbog ko! Pati yung laway ko…ganoon! Matteo, walang sakit, di ba?”
Kinaaliwan nang husto si Zombie sa presscon ng Penduko dahil sa kanyang mga sinabi at pagiging natural na komedyante.