Ipinasara ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Barangay Caleriohan, bayan ng Dalaguete sa southern Cebu at naaresto ang tatlong suspek noong Biyernes ng madaling araw, Enero 24. | Larawan ng PDEA-7

CEBU CITY, Philippines — Ipinasara ng mga awtoridad ang isang umano’y drug den sa Barangay Caleriohan, Dalaguete, southern Cebu at naaresto ang tatlong suspek noong Biyernes ng madaling araw, Enero 24.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Juanito,” 53, habal-habal driver, at alyas “Angelo”, 33, isang magsasaka.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA-7), si Juanito ang subject ng operasyon.

Si Angelo naman ang umano’y maintainer ng drug den. Parehong residente ng Brgy. Caleriohan.

Nahuli rin ng mga operatiba ang hinihinalang empleyado ng drug den na kinilalang si Margarita, 39, isang food vendor.

Ibinunyag ni Leia Alcantara, tagapagsalita ng PDEA-7, na ang drug bust ay nagmula sa tip mula sa isang confidential informant.

Sa isinagawang case buildup sa loob ng dalawang linggo, natuklasan ng mga operatiba na ang suspek ay karaniwang nagtatapon ng 10-50 gramo ng ilegal na droga kada linggo.

Ang operasyon noong Biyernes ay humantong sa pagkakasamsam ng 51 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang average market value na P346,800. Nakumpiska rin ng mga operatiba ang pera na pinaniniwalaang kinita ng ilegal na droga at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ang mga piraso ng drug evidence na kanilang nakumpiska ay isinumite na sa PDEA-7 Regional Office Laboratory para sa chemical analysis at proper disposition, ayon sa PDEA-7.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tatlong suspek habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong droga laban sa kanila. /clorenciana

BASAHIN:

Mag-ina, nahulihan ng P170M shabu sa Cebu City port

Mandaue buy-bust: HVI mula Cebu City, nahulihan ng P17M shabu


Hindi ma-save ang iyong subscription. Pakisubukang muli.

Ang iyong subscription ay naging matagumpay.

Basahin ang Susunod

Disclaimer: Ang mga komentong na-upload sa site na ito ay hindi kinakailangang kumakatawan o sumasalamin sa mga pananaw ng pamunuan at may-ari ng Cebudailynews. Inilalaan namin ang karapatang ibukod ang mga komento na sa tingin namin ay hindi naaayon sa aming mga pamantayan sa editoryal.

Share.
Exit mobile version