Humanda sa 2024, Filo Czennies!
Babalik ang NCT 127 sa Pilipinas sa 2024 para sa isang gabing konsiyerto sa Bulacan sa Enero 21. Ang palabas ay bahagi ng ikatlong tour ng grupo, na pinamagatang “NEO CITY – THE UNITY.”
Ang mga detalye ng tiket at lugar ay hindi pa inaanunsyo.
Naka-iskedyul din ang NCT 127 na magkaroon ng mga palabas sa South Korea, Japan, Indonesia, Thailand, at China, na may iba pang mga stop na iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Ang dati nilang pagbisita sa Pilipinas ay noong 2022 para sa NEO CITY: THE LINK Tour, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.
Ang NCT 127 ay ang sub-unit ng K-Pop idol group na NCT. Nag-debut sila noong 2016 at binubuo nina Taeil, Johnny, Taeyong, Yuta, Doyoung, Jaehyun, Jungwoo, Mark, at Haechan.
Ang grupo ay nagkaroon ng kapansin-pansing pagganap sa Maynila noong 2019 bilang bahagi ng K-Pop World Music Festival kasama sina Red Velvet, Alice (kilala noon bilang Elris), Kim Dong Han, at Sohee.
Ang kanilang pinakabagong album, “Fact Check,” ay inilabas noong Oktubre. Kilala ang NCT 127 sa kanilang mga top hit na kanta tulad ng “Kick It,” “Cherry Bomb,” at “Favorite (Vampire),” bukod sa marami pang iba.
—Nika Roque/CACM, GMA Integrated News