Tinalo ng Prinsesa ng Tribu Valmorados Lupidad na si Mae Marinay ang lima pang kalahok sa Pintaflores Festival Queen 2024 kagabi, Nob. 2 na ginanap sa City Auditorium.

Si Marina, isang estudyante ng Central Philippines State University (CPSU) San Carlos Branch ay nakakuha din ng apat na minor awards: Best Solo Performance, Best Group Performance, Best in Production Number, at Miss Photogenic.

Si Virginia Mae Jagdon ng Tribu Euzkara ay tinanghal na 1st runner-up at ginawaran ng Best Festival Queen Costume, habang si Julie Vie Bula mula sa Tribu Sumilaw ay nakakuha ng 2nd runner-up.

Ginawaran ng consolation prizes sina Dhlainedzy Bayotas ng Busilak Tribe, Sanjay Mea Paradero ng Bagnao One Tribe, at Sharalyn Joy Labrador ng Lumad Sipawaynon Tribe.

Ang mga nanalo at minor awardees ay tumanggap ng mga premyong cash mula P5,000 hanggang P20,000.

Bukod sa cash prizes, nagbayad si San Carlos City Mayor Renato Gustilo ng P5,000 sa bawat contestant.

Sinabi ni Executive Assistant to the City Mayor Airene Rose Gustilo na ang Pintaflores Festival ay higit pa sa isang kompetisyon, ito ay isang masiglang pagdiriwang ng kultura, kasaysayan, at kasiningan ng lungsod. Inanyayahan din niya ang lahat na makilahok at makisaya sa pagdiriwang sa Nobyembre 5.

Dumalo sa naturang aktibidad sina SP Member Victoriana Cabili, Sangguniang Kabataan Federation President Marydawn Cañetan at iba pang opisyal.

Share.
Exit mobile version