Papunta na ng Maynila si Phantom Siita sa susunod na taon!
Sa Instagram, inanunsyo ng Japanese idol group na ang unang world tour nito, ang “Moth to a Flame,” ay magsisimula sa 2025, kasama ang Manila sa mga hinto nito.
Ang konsiyerto ay gaganapin sa Enero 18, 2025 sa Samsung Hall sa SM Aura, Taguig City.
Inilabas na ng Ovation Productions ang mga detalye ng tiket para sa konsiyerto, na may mga tiket na nagkakahalaga ng P3,500 para sa Balcony (reserved seating), P6,500 para sa Patron (standing), at P12,500 para sa VIP Package (standing).
Kasama sa VIP Package ang isang Patron ticket, priority access sa venue, early merch access, autographed trading card, at isang maliit na regalo.
Ang mga tiket ay ibebenta sa Nobyembre 8, 10 am, sa pamamagitan ng website ng SM Tickets.
Bukod sa Maynila, magkakaroon din ng mga konsiyerto ang Phantom Siita sa Taipei, Singapore, at Kuala Lumpur, na susundan ng mga palabas sa North America at Europe.
Ang J-pop group, na kilala sa retro-horror concept nito, ay binubuo ng Mona, Miu, Rinka, Hisui, at Moka.
Inilabas ng Phantom Siita ang debut album nito, “Girlhood Memories,” noong Oktubre, na may mga kanta tulad ng “Just Wanna xxxx With You,” “Otomodachi, “Devilish Girl,” at higit pa.
— CDC, GMA Integrated News