Ang Amir ng Qatar na si Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ay bibisita sa Pilipinas mula Abril 21-22, 2024.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang dalawang araw na state visit ng Qatari leader ay sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ang dalawang lider ay inaasahang magpalitan ng kuru-kuro sa mga isyung pangrehiyon at tatalakayin ang relasyong bilateral ng PH-Qatar na sumasaklaw na ngayon sa kooperasyon sa mga larangan ng paggawa, pagbabago ng klima, kalakalan at pamumuhunan, seguridad sa enerhiya, edukasyon, kabataan, at isports, bukod sa iba pa, ” sabi ng PCO.

Ang huling state visit ng Qatari Amir sa Pilipinas ay noong 2012. Siya ang ama ng kasalukuyang pinuno, si Hamad bin Khalifa Al Thani.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, ang Qatar ang ika-5 pinakasikat na destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers sa Asia, na may humigit-kumulang 250,000 OFWs.—RF, GMA Integrated News

Share.
Exit mobile version