BACOLOD CITY – Arestado ng pulisya ang anim na indibidwal at nakuhanan ng P740,000 halaga ng shabu sa isang drug bust sa Purok Malvar Cubay, Barangay Villamonte dito noong Miyerkules, Nob. 27.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa possession and sale ng narcotics.

Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito

BASAHIN: 2 residente ng Bacolod, nakuhanan ng P3.4-M shabu sa buy-bust

Sinabi ng Bacolod City Police Office (BCPO), sa isang press statement, na nananatili itong matatag sa kanilang misyon na labanan ang iligal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.

“Ang matagumpay na operasyon ay binibigyang-diin ang dedikasyon ng mga alagad ng batas sa walang humpay na paglaban sa mga krimen na may kinalaman sa droga sa Lungsod ng Bacolod,” sabi nito.

Share.
Exit mobile version