Inforgraphics mula sa FB ng DOLE

“/>

Inforgraphics mula sa FB ng DOLE

MAYNILA – Tatlumpu’t walong dating manggagawa ng Philippine offshore gaming operators (POGO) ang nakakuha ng bagong trabaho sa special job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mall of Asia sa Pasay City mula Nob.19 hanggang 20.

“Sa kabuuang mga natanggap na aplikante, 38 ang nawalan ng trabaho/magiging displaced na mga manggagawa sa Internet Gaming Licensees (IGL),” sabi ng DOLE nitong Huwebes.

Ang 38 POGO workers ay kabilang sa 138 hired-on-the-spot (HOTS) sa DOLE Action Plan and Transition Project (DAPAT) bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga displaced workers.

Sinabi ng DOLE na ang 136 HOTS ay katumbas ng 15.72 porsiyento ng 865 na naghahanap ng trabaho na nagparehistro para sa fair.

Ang 790 kalahok na employer sa iba’t ibang industriya ay nag-alok ng 12,378 na bakanteng trabaho. (PNA)

Share.
Exit mobile version